‘Missing Sector’ ng Bahay (2)

Kung ang missing sector ng inyong bahay ay WEST: 1) mahirap mabuntis ;  2) kung may anak, matitigas ang ulo ng mga ito 3) laging bigo ang mga projects 4) hindi mailabas ang creativity 5) bunsong babae ang pinaka-apektado. FENGSHUI REMEDY: Ipagawa ang west sector. Kung ano ang materyales na ginamit sa bahay, lalo na sa bubong, iyon din ang construction material na gamitin sa west sector. Kung pinag-iipunan pa ang gagastusin, magsabit muna ng malaking six-rod metal, metal windchime or bell.

Show comments