Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na isang babae ang nakaimbento ng windshield wiper? Ibinigay kay Mary Anderson ang kredito sa pagkakadiskubre nito ng windshield wipers noong 1903. Ang kauna-unahang windshield wipers ay manu-manong pinaandar sa loob ng sasakyan para maalis ang tubig o anumang bagay na nasa windshield ng sasakyan. Ang puso ng isang pangkaraniwang tao ay pumipintig ng halos 35 milyong beses sa loob ng isang taon. Kahit natutulog ang tao, ang heart muscles nito ay nagtatrabaho ng doble sa leg muscle ng isang taong tumatakbo. Ang pag-aalaga ng ngipin ay mahalaga dahil ito’y konektado sa puso. Ang pagkakaroon ng sakit sa ngipin o gilagid ay posibleng magdulot ng sakit sa puso.
- Latest