Pagkatapos gamutin ang STD (Sexually Transmitted Decease), walang garantiya na hindi ka na uli magkakaroon.
Ang mga STD tulad ng Chlamydia, gonorrhea, syphilis at trichomoniasis ay antibiotics lang ang katapat. Ngunit maaaring mabigo ang STD treatment o bumalik ang STD pagkatapos ng treatment.
May ilang bagay ang posibleng maging sanhi ng pagbabalik ng STD ayon sa http://std.about.com.
1. Maling pag-inom ng gamot o mali ang ininom na gamot.
Kapag niresetahan ka ng doctor ng gamot, importanteng masunod mo kung anong gamot ang dapat iinumin, kung ilang gamot ang dapat mong inumin at kung ilang beses mo dapat inumin.
Kahit na bumuti na ang iyong pakiramdam, kailangan pa ring inumin ang mga natitirang gamot dahil kung hindi susundin ang bilang ng gamot na inireseta ng doctor ay posibleng hindi magamot ng tuluyan ang STD.
Posible ring maging mahirap nang gamutin uli sa susunod na magkaroon ng STD dahil sa antibiotic resistance. May mga STD kasi na nagiging antibiotic resistant. Itutuloy
2.Ang isa pang puwedeng maging dahilan ay mali ang iniinom na gamot.
Maaaring nagkamali ang iyong doctor sa pagreseta ng gamot o kung nagdoktor-doktoran sa sarili at mali ang napiling gamot.
Hindi lahat ng STD ay sanhi ng parehong pathogens (bacteria o microorganism na sanhi ng sakit). Ang iba’t ibang sakit ay nangangailangan ng iba’t ibang treatment.
Kaya importanteng matukoy ng tama ng iyong doctor kung ano ang sanhi ng infection bago magreseta ng antibiotics at ito ang dahilan kung bakit hindi basta-basta puwedeng uminom ng kung anu-anong gamot.
3. Hindi nagamot ang partner.
Kung may regular na sexual partner, importanteng sabihin sa kanyang ang tungkol sa iyong infection para magamot din siya.
Kapag tapos na kayong maggamot, kailangang maghintay na umipekto ang treatment bago mag-sex uli. O di kaya ay iwasan muna ang unprotected sex habang naggagamot. Kung ang iyong partner ay hindi magpapagamot, magpapasahan lang kayo ng STD.
4. Ma-exposed sa bagong STD.
Hindi porket nagamot ka na sa sakit na chlamydia, gonorrhea o iba pang STD ay hindi nangangahulugang hindi mo na ito makukuha sa iba.
Sa katunayan, puwede kang paulit-ulit na magkakaroon ng isang STD kung patuloy na makikipag-sex ng walang proteksiyon (condom) sa mga partners na hindi mo alam kung kay STD o wala.
Kaya kung nagamot ka na sa STD, importantang gumamit palagi ng protection at practice safe sex para hindi uli magkaroon ng STD.