Antibiotic Resistance: Ang mga tao ay sensetibo kapag ang pinag-uusapan ay kalusugan, naghahanap sila ng paraan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan katulad na lang pagbabakuna at mga atibiotics sa mga bagong nade-develop o natuklasang mga sakit. Sa katunayan karaniwang ginagamit ang mga anti-biotics sa paghahayupan upang maging malusog ang mga hayop at malayo sa anumang mga sakit. Ang sobarang dosage ng antibiotic ay nakakahina ng immune system lalo na sa pag-o-overdose nito. Kapag humina ang immune system ay mawawalan ng pananggalang sa samu’t saring sakit na makukuha sa paligid. Ang organikong paghahayupan at paghahalaman ay hindi gumagamit ng anumang antibiotic.
Overall Health: Dahil sa ang organikong pagkain ay hindi gumagamit ng anumang chemical na pampataba at hindi makikitaan ng anumang mapaminsalang kemikal kaya hindi ito makakaapekto sa kalusugan ng tao hindi gaya ng non-organic na pagkain na gumagamit ng maraming klaseng pataba o pesticide sa pagtatanim o pag-aaÂlaga. (ITUTULOY)