SI ISKONG sintu-sinto, sa halip matakot sa pang-ibabang katawan ng manananggal ay natuwa pa. Sabik sa seksing babae ang binatang baliw-baliw. “Kahit ka putol, ikaw mahal ko…â€
Binusisi ang katawang pang-ibaba. “Hi-hi-hi. Dilaw.â€
Nagagalak ang damdamin. “Ikaw, nobya ko na—kahit wala ka pang ulo at katawan.†Nag-isip si Iskong sintu-sinto kung ano ang gagawin sa nobyang putol. “Tatawagin kita Hatita. Ikaw na si Hatita…â€
Binuhat nito si ‘Hatita’. Hindi malaman kung saan dadalhin.
Ilalabas ba ito ng sagingan? Iuuwi ba sa giray na bahay sa tabing-ilog? Nagpalinga-linga si Isko, lito pa rin kung saan pupunta.
Kaso ay nabigatan sa buhat-buhat. “Kaaah-kaaah…Am’ bigat mo…â€
Ibinaba, itinayong muli sa ibang panig ng sagingan.
Plap-plap-plapp. Napaigtad ang baliw-baliw, naramdaman ang padating mula sa himpapawid. “Tago! Tago, Hatita!â€
Kumubli sa mga puno ng saging si Isko. Nakabukas ang mga mata.
Naglagos sa ibabaw ng sagingan si Shalina, hinanap agad ang kaputol na katawan. Ilang minuto na lang ay magbubukang-liwayway na. Nanganganib siyang malusaw kung hindi makadudugtong sa pang-ibabang katawan.
Nagtaka si Shalina, bakit nawala ang kaputol? Tandang-tanda niyang iniwan itong nakatayo sa tabi ng saging na hitik sa bunga.
“Alangan namang naglakad mag-isa. Walang isip ‘yon.†Natataranta na si Shalina. Hinanap nang husto ang nawawalang kaputol.
“Hayun!†Nakita niya ito, sa ibang panig ng sagingan.
“ Sino kaya ang nakialam?†Nagmamadali nang pinagdugtong ang sarili. Nanggigigil. Tiyak niyang may pakialamero.
Nasa paligid pa ba ito? She wonders. Malakas ang pakiramdam ni Shalina. “Magpakita ka, duwag!â€
Kitang-kita ni Iskong sintu-sinto ang buo nang babae. Lalong natuwa ito. “Ganda-ganda mo pala, Hatita! Boypren mo na ako! Hik-hik-hik!â€
Nakilala ni Shalina ang sintu-sinto, naningkit ang mga mata niya sa galit. “Walanghiya ka, ano’ng ginawa mo…?â€
“Dilaw! Dilaw! Hi-hi-hi!†Tumakbo na si Isko. (ITUTULOY)