Benepisyo sa kalusugan ng organikong pagkain (1)

Sa pangkalahatan, mamimili ng organikong pagkain, manufacturers, at magsasaka ay naniniwala na ang organikong pagkain ay mas ligtas at masustansyang kainin kumpara sa  non-organic na pagkain.

Antioxidant Capacity: Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na ang magandang epekto ng antioxidant ay makukuha sa pagkain ng organikong pagkain. Dahil sa ang oraganikong pagkain ay hindi gumagamit ng artipisyal na kemikal bilang pataba at pesticide sa pagtatanim nito na malaking epekto sa kalusugan ng mga kumakain nito. Ang mga artipisyal na kemikal na ginagamit bilang pataba at pesticide ay pinagmumulan ng mga samu’t saring mga sakit katulad ng kanser, sakit sa puso, at pagi­ging premature ng batang nasa sinapupunan pa lang.

Pesticide Reduction: Isa sa dahilan ng pagdami ng mamimili ng organikong pagkain ay sa kadahilanang ang mga non-organic ay malaki ang presenya ng mga kemikal na ginagamit bilang pataba. Para maprotektahan ang mga halaman laban sa mga peste. Bagama’t  kailangang gumamit ng pesticide upang maprotektahan laban sa anumang peste ng halaman ngunit may kaakibat naman itong panganib sa kalusugan ng tao ang mga kemikal na sa pesticide katulad ng organophospho­rus. Itong kemikal na ito na nakasasama sa katawan ng tao ay binubuo ng walongpung porsiyento ng kemikal na nakukuha natin sa pagkain ng mga pagkain na ginamitan ng kemikal. Ang organophosphorus ay napatunayang maaring pagmulan ng  developmental problems  katulad ng autism at ADHD.(Itutuloy)

 

Show comments