Dear Vanezza,
Namatay po ang aking ama noong ako ay 12 taong gulang kaya sa murang edad ko ay nakipagÂsapalaran ako sa Maynila para tumulong sa pamilÂya. Pero bigo ako dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kaya bumalik ako sa probinsiya. Doon ay nasaksihan ko ang pagkahumaling ng aking ina sa ibang lalaki. Nagalit ako pero mas matindi pa pala ang sakit na nakaabang. Sinabi ng aking ina na wala akong karapatan na pagalitan siya dahil pinulot lang ako ng aking namatay na ama sa bakuran at kinupkop bilang anak. Lumayas ako sa bahay namin at dahil sa matinding galit ay nasumpungan na lamang ang aking sarili na nawalan na ng direksiyon ang buhay. - Dino
Dear Dino,
Ang pagiging ampon ay hindi dapat maging dahilan para mawalan ng direksiyon ang iyong buhay. Bagamat masakit, maaaring may mabigat na dahilan ang iyong mga tunay na magulang nang iwanan ka nila sa bakuran kung saan ka napulot ng iyong kinalakihang ama. Isa pa, ang muling pag-aasawa ng iyong ina ay hindi mo dapat ikasama dahil ito ay bahagi ng buhay. Magpakatatag ka at maging positibo. Isipin mo na maraming ampon ang nagtagumpay sa buhay dahil tinanggap nila ang katotohanan.
Sumasaiyo,
Vanezza