Binasted dahil tomboy

Dear Vanezza,

Ako po ay isang tomboy at crush ko po ‘yun classmate ko. Kaya lang sinabihan niya na po ako na hindi siya nakikipagrelasyon sa isang tulad ko. Dahil po dito gusto ko ng lumipat ng aming school. Payuhan n’yo naman po ako.  - Tbird

Dear Tbird,

Hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili sa sinumang hindi handang tumanggap sa iyong pagkatao. Hindi rin sapat na dahilan na kaya gusto mong lumipat ng paaralan ay dahil lang sa binasted ka ng babaeng ito. Mas mabuting ituon mo ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral at subukan mo rin na ituwid ang iyong feelings dahil hindi naman talaga tamang umibig ka sa kapwa mo babae.  Dahil nilalang kang babae at tanging lalaki at babae lang ang nilalang ng Dios.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments