Last Part
BUHAY NG MAY KANSER SA DUGO AT BONE MARROW
Mahalagang bigyan ng pokus ang pamumuhay na may nakamamatay na sakit. Kadalasan ang paggamot ay para gumaling, kahit na hindi ito possible, ang panahon ng mabuting kalusugan at kumpletong remisyon ay maaaring makamit. Ngunit, ang bawat isa ay indibidwal at ang kanilang reaksiyon sa gamot ay para sa kanila lamang. Maaaring asahan ng mga pasyente na bigyan sila ng mga kawaning medikal at nars ng kailangang kaalaman at kasanayan upang makagawa sila ng malaya at resonableng desisyon. Ito ay makakatulong na posibleng panatilihing normal ang kanilang buhay.
Impormasyon at suporta 

Tinatanggap ng tao ang dayagnos ng mga sakit na ito sa iba’t ibang pamamaraan, at walang tama o mali, o pamantayan ng reaksiyon. Mahalagang tandaan na ang impormasyon ay kadalasang nakakatulong na alisin ang takot sa hindi alam. Para sa ilan, ang tiyak na dayagnos ay nagbubunga ng ilang reaksiyon na emosyonal, mula sa pagtanggi sa katotohanan hanggang sa pagkakawasak. Hindi bibihira na magkaroon ng kawalang pag-asa, galit at may kalituhan. Kalimitan, natatakot ang tao para sa kanilang sariling buhay o para sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa ibang dako, ang ilan ay nagtataka kung sila nga ay talagang maysakit. Ang ilan ay nahihiya dahil sila o ang miyembro ng kanilang pamilya ay mayroong malubhang sakit. Marami ang nag- aalala tungkol sa posibilidad na malaking gastos medikal. Mangyari pa, may mga pagtatanong tungkol sa paghingi ng pangalawang opinyon tungkol sa paggamot at ang masamang bisa nito, at ang mga alternatibong uri ng gamutan. Makabubuti para sa mga pasyente at ng kanilang pamilya na pag-usapan ito ng tuwiran sa kanilang doktor tungkol sa anumang katanungan o pangamba. Makakatulong din ang pakikipag-usap sa ibang propesyonal ng kalusugan, mga pasyente at miyembro ng pamilya na nakakaunawa sa iba’t ibang nararamdaman at ang patuloy na natataÂnging pangangailangan ng mga nabubuhay na may ganitong uri ng sakit.