Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang salitang “tamarind†ay isang arab expression na ang ibig sabihin ay “date of Indiaâ€. Pinaniniwalaang ang tamarind ay orihinal na nagmula sa Africa, pero mas lumago at dumami ito sa India. Gayunman, marami na rin nito sa Latin America. Ang tamarind ang ginamit ni Marco Polo para lasunin at pasukahin ang mga Malabar pirates. Pinagsama niya ang katas ng tamarind at ang tubig-alat kaya halos isuka ng mga pirata pati ang kanilang bituka. Ginawa ito ni Marco Polo para mailabas ng mga pirata ang mga perlas na kanilang nilunok para maitago at manakaw ang mga ito. Kasama ang tamarind sa mga sangkap sa paggawa ng “Worcestershire sauceâ€.
- Latest