Dear Vanezza,
Pakitago na lang ako sa pangalang Jack. Minsan kong pinagtangkaang wakasan ang sariÂling buhay ko dahil sa problema sa pag-ibig, pag-aaral at pamilya. Pero habang nasa isang park kung saan ko binubuo ang aÂking balak, isang babae ang ngumiti sa akin. Nilapitan ko siya at nakipagkilala. Nalaman ko na may pinapaÂsan din siyang mabigat na problema at inisip ding magpakamatay, subaÂlit na-realize niya na hindi ito ang solusyon sa problema. Malaking kasalanan din sa Diyos ang kanyang gagawin. Dahil sa narinig ko ay parang may kung anong pumitik sa isip ko. Namalayan ko na lang na masaya na kaming nagkukwentuhan. Bago kami nagkahiwalay ay kinuha niya ang cell phone number ko, ganundin ako. Ngayon ay mag-on na kami at mag-one year na sa April. Itinakwil ko na rin ang salitang magpakamatay. Hanggang dito na lang at sana ay magsilbing aral ito na hindi kamatayan ang sagot sa lahat ng problema.
Dear Jack,
Tama ka. Kung minsan nakakaisip tayo ng hindi mabuti dahil sa isang problema. Pero dahil natutuklasan natin na may ibang kagandahan ang buhay, naisasantabi natin ang balak na hindi tama. Naging instrumento ang babaeng yun para mapigilan ang masama mong binabalak. Pinagtagpo kayo para makilala mo ang kahalagahan ng buhay at matagpuan ang babaeng magpapabago sa ‘yo. Nawa’y lumigaya kayo at sa harap ng mabibigat na problema ay Diyos ang lagi ninyong sandalan at tawagan.
Sumasaiyo,
Vanezza