Nabigo sa pag-ibig, nawalan ng direksiyon sa buhay

Dear Vanezza,

Ako si Jowee. Nakilala ko si Marie. Siya ang babaeng may-ari ng bag na nabawi ko mula sa mga snatchers sa Divisoria matapos kong makorner sa tulong na rin ng mga nagmalasakit na taong bayan. Naging simula ito ng pagkakaibigan namin. Napakabait niya sa akin kaya naman hindi ko napigilang mahulog ang loob ko sa kanya kahit alam kong alangan kami sa isa’t isa. Minsan, ako naman ang nagyayang kumain kami. Masaya ako sa pagpayag niya pero ito pala ang kasawian ng puso ko. Magpapaalam na siya para umuwi sa kanilang probinsiya para doon magturo at magpakasal sa boyfriend niya. Dahil sa nangyari nawalan ako ng direksiyon sa buhay. Natuto akong maglasing at mag-droga. Pa’no ko siya malilimutan? Payuhan  o sana ako.

Dear Jowee,

Ang kasawian sa pag-ibig ay hindi dapat na maging dahilan para magwala at magpaka­sama. Dapat, magsilbi itong hamon kundi man inspirasyon para pagbutihin mo ang paghahanapbuhay nang sa gayon ay maiangat mo ang sarili. Maaaring napagkamalan mo lang ang kabutihang loob sa iyo ng babaeng tinulu­ngan mo at kung magiliw man siya sa iyo, dahil sa laki ng kanyang utang na loob. ‘Wag mong lunurin ang sari­li sa masamang bisyo. Hindi pa katapusan ng mundo. Makakatagpo ka pa rin ng babae para sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments