^

Para Malibang

Lover niya, may mahal na iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ver, 50 years old. Hiwalay ako sa asawa. Umibig ako sa isang 21 years old. Maayos ang pagsasama namin sa una. Hanggang sa mawalan ako ng trabaho. Lagi na kaming kinakapos. Ilang beses na rin kaming lumipat ng tirahan dahil hindi kami makabayad ng upa. Kung kani-kanino lang ako nangungutang at nagdedelihensiya para makaraos kami. Hanggang sa dumating ang aking kalbaryo. Umibig siya sa ka-edad niya. Sabi niya kailangan niyang gawin ito dahil mas may kinabukasan siya sa lalaking ito. Aalis ang lalaki para mag-seaman pero kailangang mag-training. Nakiusap siya sa akin na sagutin ko ang training ng lalaki. Mahal na mahal ko siya kaya sumang-ayon ako. Sabi niya, mahal pa rin niya ako at ginagawa lang niya ito para mahango kami sa hirap. Bibigyan daw ng sustento ng lala­ki ang kinakasama ko kapag naging seaman na. Para akong luku-luko. Payag naman ang lalaki niya sa ganoong arrangement. Tama ba ang ginagawa mo?

Dear Ver,

Wala ka na ngang trabaho tutustusan mo pa ang training ng lover ng lover mo? Walang patutunguhang maganda ang buhay mo kapag nanatili kang ganyan. Panloloko ang ginagawa nila sa’yo. Sinasamantala nila ang kahibangan mo sa babae. Kunwa’y para sa inyo ang gagawin niya, pero sa totoo ay para sa kanilang pakinabang. Bakit hindi siya humanap ng trabaho para tulungan ka sa gastusin. Hanggang nagpapaloko ka sa kanila, baka hindi lang yan ang hingin nila sa’yo. Matauhan ka naman sana at ‘wag magpakabaliw dahil lang sa pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AALIS

DEAR VANEZZA

DEAR VER

HANGGANG

NIYA

PARA

SABI

UMIBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with