Alam n’yo ba na sa mga lutuing pagkain ng mga Westerners, ang luya ay inihahalo nila sa mga matatamis na pagkain gaya ng “gingerbreadâ€, snaps, biscuits at iba pa. Ang United Kingdom naman ay mayroong alak na ang flavor ay luya, inihahalo rin nila ito sa kanilang kape at tea. Sa India at Pakistan, ang luya ay tinatawag na “Adrak†habang sa Burma ito ay “Gyinâ€. Sa Indonesia, gumagawa rin sila ng alak na luya at tinatawag itong “Wedang jaheâ€.