KITANG-KITA ni Akong ang unti-unting paglalaho ng kotseng binili sa pamilya ni Sotero; nawalang parang bula sa hangin ang sasakyan.
Hindi nakayanan ng tusong tsekwa ang kababalaghang katumbas ng malaking pera. Hinimatay ito. “Uuuunnn.â€
Bra-a-akk.. Nabagok ang ulo sa semento, matindi; pumutok ang bungo sa lakas ng impact.
Dumaloy ang masaganang dugo ni Akong, wala nang malay-tao.
“Eeeek! Boss Akong!†Ang katabing security guard ay nataranta. Tulad ng amo ay nasaksihan nito ang paglalaho ng kotse sa bodega.
Wanng-waanng-waanngg. Isinakay sa ambulansiya ang negosyante ng palengke, isusugod sa ospital.
NAG-IMBESTIGA ang mga pulis, sumaksi ang security guard. Naging basihan ang CCTV.
Manghang-mangha ang mga imbestigador; hindi makapaniwalang naglaho ngang parang bula ang kotseng nasa bodega.
NABALITAAN ng pamilya ni Mang Sotero ang nangyari sa bodega ni Akong—ang literal na pagkawala ng kotse pati na ang pag-aagaw buhay ni Akong sa ospital.
Nagi-guilty sina Shalina at Greco. Ideya nila at ni Mang Sotero ang mabilisang pagbebenta sa kotseng mula sa magic ng masamang diwata.
“Tatay, ipinahamak tayo ni Adwani.â€
“Oo nga, Shalina. Bukod sa tayo’y magiging mga aswang sa pagbibilog ng buwan, nakapinsala pa tayo ng kapwa. Uusigin tayo ni Akong sakaling mabuhay siya…â€
Ang pera ay nabawasan na nila nang higit kalahati; ang kalahati pa ay kailangan nila sa pagkontra sa masamang diwata.
Wala silang balak na ibalik kay Akong ang dalawandaang libong pisong pinagbentahan sa kotse.
Si Aling Mameng ay ayaw makialam sa problema kay Akong; ang darating na pagbibilog ng buwan ang labis na ikinaliligalig.
Pero nanisi. “Iyang buwisit na asawa mo ang puno’t dulo ng dusa natin ngayon, Shalina! Hindi sana tayo binalingan ng galit ni Adwani kundi siya ginalaw saka iniwan ni Greco!†(ITUTULOY)