Ang iyong dugo (21)

Radiotheraphy

Ang radiotheraphy ay ang paggamit ng natatanging x-ray upang patayin ang mga selula ng bukol. Depende sa doses at lugar ng radiotheraphy, ang ganitong uri ng paggagamot ay maaaring magkaroon ng epekto na pareho ng chemotheraphy. Sa ilang uri ng lukemya, natatanging paggagamot ng radyesyon ay ibinibigay sa ulo. Ito ay maa­aring magbunga ng maikling panahong pagkaliyo at panghihina na bubuti rin sa takdang panahon.

Transplant ng ‘stem cell’ o bone marrow

Nakagawian na gamitin ang transplant ng bone marrow upang ipaliwanag ang proseso ng paglilipat ng mga selula mula sa bone marrow para ipapasok ito sa pasyente matapos ang malakas na doses ng chemotheraphy o radiotheraphy. Ang prosesong ito ay tinatawag ngayon na transplant ng ‘stem cell’ (stem cell transplantation).

Ang mga ‘stem cells’ sa bone marrow ay responsable sa produksiyon ng mga selula ng pulang dugo, mga selula ng puting dugo at mga pleytlet. Luma­la­ganap din sila sa dugo ng mangilang-ngilang bilang. Upang gamutin ang mga pasyente, malakas na doses ng kemoterapeutika ang ibinibigay. Ang problema ng malakas na doses ng therapeutic ay pagkamatay ng mga normal na selula kasama ang mga natitirang abnormal na mga selula. Upang mapaglabanan ang ganitong problema, ang mga ‘stem cells’ ay kinukuha muna bago ang paggamot at ibabalik ito sa pasyente matapos ang malakas na doses ng chemotheraphy. Ang mga ‘stem cells’ na ito ay lumalago sa mga butas ng bone marrow, at sila ang gumagawa ng mga bagong selula ng pulang dugo, mga selulang puting dugo at mga pleytlet.

Ang ‘stem cells’ ay mahalaga kahit saan man ito kunin, kahit sa dugo na kung saan sila ay naglalakbay, o sa bone marrow na kung saan sila ay nakatigil na nakabukod-bukod.

Ang mga ‘stem cells’ ay maaaring kunin sa iba’t ibang paraan mula sa magkakaibang mga donor.

 

Show comments