“NARINIG n’yo ba ang sabi ko?†paniniyak ni Mang Sotero sa mga kapamilya si Aling Mameng, sina Shalina at Greco. “Kailangang maibenta ang kotseng ‘yan--bago tayo maging aswang na lahat!â€
Napapailing si Aling Mameng. “Ganoon na nga ba kasama ang dati mong mangingibig, Sotero? Bakit pati kami ni Shalina ay idadamay?â€
“Mameng, nalimutan mong kaya niya ako hindi na nagalaw ay dahil…nagpakasal tayo noon sa simbahan?
“Gaya rin ng anak nating si Shalina, nagpaÂkasal sila ni Greco…â€
“Hindi ako papayag sa gusto ni Adwani, Sotero! Magkamatayan na!†Mas may huwisyo si Shalina. “Inay, ito hong si Greco ay nagawang tikbalang ni Adwani. Makapangyarihan ang masamang diwatang ‘yon.†Nakaunawa rin si Greco. “Ang punto ho ni Itay Sotero, Inay Mameng, mabuti nang tayo ay may pera… bago tayo maÂging pamilya ng aswang…†KUMPLETONG may susi ang bagumbagong kotse. Nakakaalam sa kotse si Mang Sotero; dating driver ng mayaman noong binata pa. Inilabas nila ang kotse mula sa nawasak na kubo. Tinest-drive ni Mang Sotero sakay ang pamilya. Kahit gabing-gabi ay nilibot nila ang loob at labas ng Lupang Banal.
“Maganda ang tunog ng makina nito, genuine. Madali nating maibebenta kung bababaan natin nang konti ang tunay na presyo,†paliwanag ni Mang Sotero.
“Itay, kahit kalahati ng original price, ibenta na natin! Naghahabol tayo ng oras!†suhestiyon ni Shalina. “Bago maisipang bawiin ni Adwani!â€
Walang pakialam si Aling Mameng; ang isipan ay labis na naliligalig. “Hindi ko talaga matatanggap na kami’y gagawing aswang!â€
NANG gabi ring iyon ay naghanap ng buyer si Mang Sotero, sakay pa rin ang buong pamilya.
Isang mayamang tsekwa sa palengke na may negosyong Five-Six. “S-Saan galing iyo kotse, Sotero? Baka iyan nakaw?â€
“Kung ayaw mong bilhin, Akong, sa iba ko ibebenta.†DalaÂwang milyon ang halaÂga ng kotse sa pamilihan; ibinenta lang ito ni Mang Sotero nang 200 thousand pesos cash kay Akong. Tuwang-tuwa ang tusong tsekwa. (ITUTULOY)