Ang square na dining table ay nakatutulong upang ang mga taong kumakain dito ay hindi magmadali. Ang epekto ng marahang pagkain/pagnguya ay nabubusog kaagad tayo sa kakaunting pagkain. Magre-register lang sa ating utak na tayo ay busog na pagkaraan ng 20 minuto pagkatapos nating lunukin ang pagkain. Ano ang benefits ng mabagal na pagkain? Maiiwasan ang pagiging overweight, maiiwasan ang indigestion, at higit sa lahat, nakakapagkuwentuhan ang pamilya habang kumakain na magiging daan upang maging close sa isa’t isa. Pero paano kung hindi square ang dining table? Narito ang Fengshui cure:
1—I-reshape ang round table sa ganitong paraan: Lagyan ito ng table cloth na iisa lang ang kulay (no color combination). Then, patungan ito ng square glass, wood or plastic.
2—Sa rectangular table: Maglagay ng runner (table cloth na makipot at mahaba) sa gitna ng table. Sa ganitong paraan, hinahati mo sa dalawang square ang rectangular table. Then, patungan ang mesa ng square place mats. Gumamit ng square plates.