WALA na ang bad fairy. Wala pa rin si Greco na naging tikbalang. Ang nasa harapan ng mag-amang Sotero at Shalina ay ang bagumbagong kotse na nagmula sa magic ni Adwani. Hindi malaman ng mag-ama kung ituturing na yaman ang pangmayaman na sasakyan.
“Itay, pagbalik po ni Greco, ibenta agad natin ang koÂtÂseng ‘yan,†puno ng agam-agam na sabi ni Shalina.
“Napakalaking halaga ang katumbas ng ganyang kotse, anak.†MULA sa tricycle, napatakbo si Aling Mameng sa bahay na wasak na wasak. “Ano’ng nangyari dito! Panginoong Diyos, tinamaan ba tayo ng buhawi? Dito ba tinangay ang kotseng ‘yan?†Ang ilaw sa poste at ang buwan ang tanglaw nila sa gabing ito. “Mameng, dumating si Adwani. Kaydaming ginawang pinsala, bago niregaluhan sina Greco at Shalina ng kotseng ito,†napapailing na sabi ni Mang Sotero sa asawa.
Kinabahan ang ginang, alam na si Greco ang pakay ng masamang diwata. “N-nasaan si Greco?â€
Napahagulhol na naman si Shalina. “Hu-hu-hu-huuu! Inay, ginawang tikbalang si Greco!â€
SI GRECO, mula sa sagingang katabi ng bukid, ay naging normal na taong muli—hindi na tikbalang. Gaya ni Aling Mameng, namangha ito sa nadatnan sa bahay. Napaluha naman sa galak si Shalina. “Greco, salamat sa Diyos!†“A-ano’ng nangyari rito? Bakit may kotse…?â€
Dinitalye ni Shalina kay Greco at sa ina ang mga pangyayari. “Batambata pa rin pala ang dati mong mahal, ha, Sotero? Hindi tumanda, para na nating apo, ha?†sarkastikong sumbat ni Aling Mameng. “Si Greco na ang bago niyang pag-ibig, Mameng, huwag ka nang sa’kin magngitngit,â€salag ni Mang Sotero.
Si Shalina ang nasaktan ang damdamin sa iriÂngan ng mga magulang. Bigla niyang nais sisihin ang karupukan noon ni Greco.
“Napakahilig mo kasi sa magagandang babae, Greco…patol ka nang patol…†Puno ng hinanakit sa mister si Shalina.
“Inakit ako ni Adwani, ginamitan ng kapangyarihan bilang diwatang masama… tao lang ako, Shalina…†(ITUTULOY)