Ang constipation kapag hindi nalunasan ay makakapagdulot ng maraming sakit sa katawan. Kase yung toxins o yung mga wastes na dapat nating ilabas ay i-ikot sa ating katawan na magiging sanhi ng maraming karamdaman
Maraming tao ang napakahilig kumain ng karne at talaga naman inaÂayawan ang pagkain ng gulay lalo na ang mga gulay na madudulas kainin gaya ng okra. Ngunit hindi alam ng nakararami na napakaimportante ng gulay na ito sa ating katawan lalo na kapag nagkakaedad at patuloy ang paghina ng panunaw sa tiyan. Bunsod ng hindi agad pagkatunaw ng pagkain at paglabas ng dumi sa iyong katawan, nagdudulot tuloy ito ng iba’t ibang sakit at ang pinaka pinangangambahan ng marami ay ang cancer. Bakit nga ba dapat kang kumain ng okra? Narito ang ilang dahilan:
Ito ay mayaman sa fiber na tumutulong para maging normal ang iyong blood sugar kaya naman mahusay itong kainin kung nais na makaiwas sa sakit na diabetes at makaranas ng constipation. Ang fiber kasi ang tumutulong sa tiyan para matunaw ng maayos ang mga pagkain kaya hindi mahihirapan ang iyong intestines na ilabas ang toxins o dumi sa iyong tiyan.
May mataas na lebel ng vitamins A,C,E, K kaya nakakatulong ito para lumakas ang iyong immune system at magkaroon ng mas malusog na paningin.
Mahusay din pagkunan ng iron, calcium, copper, magnesium, phosphorous, selenium at zinc. Dahil sa mga bitaminang ito, magkakaroon ng mas maayos na daloy ng dugo at bilang ng Red blood cells at white blood cells na siyang lumalaban sa mga mikrobyo sa iyong katawan.
Kaya ngayon, kahit pa ayaw mong kumain ng gulay lalo na ng okra, dapat ay gustuhin mo ito kung nais maging malusog at hindi mahirapan sa tuwing ikaw ay tatawagin ng “Kalikasanâ€.