Good ka ba or Bad? (2)

Four (4, 13, 22, 31)

Good effects: Tagumpay sa negosyo, mara­ming pera at mga sorpresang magandang kapalaran.

Bad effects: Paghadlang ng ibang tao sa iyong mga plano; pulos simula pero sa bandang huli ay tatamarin at hindi na tatapusin; may tendency na maging kriminal at magtago sa batas. Kapag luma­lim ang depresyon ay maaaring magpakamatay.

Five (5, 14, 23)

Good effects: Madali para sa kanya na ma­ngumbinsi ng ibang tao na makiisa sa kanya; masuwerte sa negosyo; may tsansang sumikat ang pangalan. Nagpapahayag din ang number 5 ng pag-iisang dibdib.

Bad effects: Nagiging magnanakaw, sugarol, babaero at alcoholic. Kung babae ay tamad sa gawaing bahay at kung lalaki ay magiging ires­ponsableng ama.

Six (6, 15, 24)

Good effects: Nagiging makatao, malikhain, matalino, magaling magnegosyo, maligayang pag-aasawa, matapat sa paghawak ng pera, mahilig mag-ipon at tumulong sa kapwa, maka-Diyos at makapamilya.

Bad effects: Nag-aasawa  nang maaga o bata pa kaya mas malamang na maging magulo ang buhay may-asawa. Nagiging lasenggo at pabaya sa kanyang buhay. (Itutuloy)

Show comments