Sa hangaring lalong mabawasan ang natitirang mga sakit, mababang doses ng gamot ay maaaring ibigay sa pasyente at ito ay tinatawag na maintenance chemotherapy. Sa bahaging ito ng paggagamot, ang induction at consolidation theraphy ay nakabawas ng minimum sa bilang ng mga abnormal na selula at ang patuloy na panustos therapeutic na naglalayon na panatilihing kontrolado ang sakit at inaasahang sana ito ay mawawala o patayin ito ng sistema ng panlaban sa sakit.
CHEMOTHERAPHY
Ang salitang chemotheraphy ay nang galing sa dalawang salitang Greyego – ‘kemo’, ang ibig sabihin kemikal, at ‘terapeutika’, ang ibig sabihin paggagamot. Kasama sa chemotheraphy ang patuloy na paggamit ng mga gamot upang sirain o pigilin ang paglago ng malubhang mga selula. Maaari itong ibigay bilang nag-iisang gamot o isang kombinasyon ng mga gamot. Ang uri ng sakit ng pasyente ay siyang magsasabi kung anong uri ng paggagamot ang kanilang tatanggapin.
Ang mga gamot para sa chemotheraphy ay ipinaiinom bilang tableta o kapsula, sa pamamagitan ng iniksiyon sa balat (subcutaneous), iniksiyon sa ugat (intravenous), o sa pamamagitan ng natataÂnging paglalagay ng katerer sa mga ugat.
Ang paggamot sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta at kapsula ay hindi masakit. Karaniwang walang sakit ang mararamdaman sa ibang uri ng kemoterapeutika, maliban sa sandaling panahon na parang nakagat habang itinutusok ang karayom.
Ang mga gamot ay kailangang lumaganap sa dugo upang makarating sa mga selulang abnormal.
Ang mga gamot ng chemotheraphy ay nakikialam o sumisira sa pagdami o paglaki ng mga selulang abnormal.