^

Para Malibang

Ang iyong dugo (17)

BODY PAX - Pang-masa

Sa hangaring lalong mabawasan ang natitirang mga sakit, mababang doses ng gamot ay maaaring ibigay sa pasyente at ito ay tinatawag na maintenance chemotherapy. Sa bahaging ito ng paggagamot, ang induction at consolidation theraphy ay nakabawas ng minimum sa bilang ng mga abnormal na selula at ang patuloy na panustos therapeutic na naglalayon na panatilihing kontrolado ang sakit at inaasahang sana ito ay mawawala o patayin ito ng sistema ng panlaban sa sakit.

CHEMOTHERAPHY

Ang salitang chemotheraphy ay nang galing sa dalawang salitang Greyego – ‘kemo’, ang ibig sabihin kemikal, at ‘terapeutika’, ang ibig sabihin paggagamot. Kasama sa chemotheraphy ang patuloy na paggamit ng mga gamot upang sirain o pigilin ang paglago ng malubhang mga selula. Maaari itong ibigay bilang nag-iisang gamot o isang kombinasyon ng mga gamot. Ang uri ng sakit ng pasyente ay siyang magsasabi kung anong uri ng paggagamot ang kanilang tatanggapin.

Ang mga gamot para sa chemotheraphy ay ipinaiinom bilang tableta o kapsula, sa pamamagitan ng iniksiyon sa balat (subcutaneous), iniksiyon sa ugat (intravenous), o sa pamamagitan ng natata­nging paglalagay ng katerer sa mga ugat.

Ang paggamot sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta at kapsula ay hindi masakit. Karaniwang walang sakit ang mararamdaman sa ibang uri ng kemoterapeutika, maliban sa sandaling panahon na parang nakagat habang itinutusok ang karayom.

Ang mga gamot ay kailangang lumaganap sa dugo upang makarating sa mga selulang abnormal.

Ang mga gamot ng chemotheraphy ay nakikialam o sumisira sa pagdami o paglaki ng mga selulang abnormal.

 

CHEMOTHERAPHY

GAMOT

GREYEGO

KARANIWANG

KASAMA

MAAARI

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with