Para sa mga ‘runner’...

Kapag ganitong weekend may mga taong sadyang outgoing at mahilig sumama sa mga activities sa kanilang mga eskwelahan, opisina o orga­nisasyong kanilang kinabibilangan. Kaya naman nauso ang mga fun run, family day at kung anu-ano pang gawain para sa family bonding. Dahil dito, maraming mga taong nais bumilis ang kanilang kilos, lalo na ang mga propesyunal na “runner”. Kaya naman dapat na alam mo ang mga pagkain na makakapagpabilis sa iyong kilos at pagtakbo. Narito ang ilang uri ng mga pagkain na tutulong sa’yo para rito:

Kamoteng gabi – Ayon sa ilang researchers sa St. Louis University, ang pagkain ng nilagang kamoteng gabi ay makakatulong para makatakbo ng mabilis. Nagtataglay kasi ng nitrates ang kamoteng gabi na siyang nakakapagpadagdag sa “stamina” ng tao.

Oatmeal -  Isa pang mahusay pagkunan ng enerhiya ng katawan ay ang pagkain ng oatmeal. Tutulungan kasi nito na maging maganda ang lebel ng iyong sugar sa katawan kaya kakayanin mong tumakbo ng mabilis. Napagkukunan din ito ng vitamin B na tumutulong naman na gawing glucose ang carbohydrates sa iyong katawan. Makakakuha rin mula rito ng magnesium, selenium at manganese.

Prutas – Maraming atleta ang umaasa sa mga energy drinks, gels at iba pang matatamis na pagkain at inumin para lumakas. Pero sa totoo lang, mas mahusay pa rin mapagkunan ng lakas ang mga fresh fruits. Kaya lang piliin pa rin ang mga prutas na madali lang matunaw sa iyong tiyan dahil kung hindi agad ito matutunaw sa iyong tiyan, tiyak na mahihirapan kang tumakbo. Kasama rin sa mga prutas na maaaring mapagkunan ng enerhiya ay ang mga prutas na gaya ng berries, saging at avocado.

Show comments