One (1, 19, 28)
Good effect: Pagtaas ng status sa buhay, promotion o pagtaas ng posisyon sa pinagtatrabahuhan, sisikat ang pangalan at pagkakaroon ng maraming ari-arian.
Bad effect: May ugali siyang mahirap unawain ng iba kaya kadalasan ay napag-iinitan ng mga kasama sa trabaho na nagbubunga ng pagre-resign ng maaga.
Two (2, 11, 20, 29)
Good effect: Pinamamanahan ng magulang, maligayang pag-aasawa, may tsansang tumaas ang puwesto sa trabaho, mangingibang bansa na magiÂging daan para umangat ang kabuhayan.
Bad effect: Maraming hadlang sa pag-asenso, maaaring siya ang mangaliwa o siya ang kaliwain. Mahiyain kaya kahit talented ay hindi maipakita at mapakinabangan ito.
Three (3, 12, 21, 30)
Good effect: Pag-asenso ng negosyo, pagsikat ng pangalan, pangingibang bansa para magpakadalubhasa sa propesyong napili.
Bad effect: Madalas na pag-aaway ng mag-asawa na hahantong sa paghihiwalay. Kung hindi aayusin ang ugali ay malamang na makaranas ng malaking trahedya sa buhay dahil sa kawalan ng hiya at awa sa kapwa. (Itutuloy)