Mataas na Bakod
Base sa Fengshui, hindi dapat magkasingtaas ang bakod at bahay. Dapat ay mas mababa ang bakod. Ang epekto ay hindi uunlad ang pagkatao ng mga nakatira sa bahay.
Nakadikit ang front wall ng bahay sa bakod
Ang kawalan ng space sa pagitan ng wall ng bahay at bakod ay indikasyon na walang tsansang umasenso ang mga nakatira.
Matataas at magkakadikit ang mga Puno sa sides ng Gate at Bakod
Hindi makapasok ang energy sa bahay dahil hinaharangan ng mga puno. Ang mainam ay i-trim ang puno upang makapasok ang sinag ng araw at sariwang hangin sa loob ng bahay.
Isa lang ang ilagay na gate sa Bakod
Kung gusto ay dalawang gate (isa para sa tao, isa para sa sasakyan), dapat ang isa ay mas maliit. Huwag papantayin ang size ng dalawang gate. Magkakaroon ng confusion kung saan dadaan ang energy, ang resulta, kamalasan.