A. Upang ikaw ay mabilis na makawala sa masakit na alaala ng iyong nakahiwalay na asawa, kailangang tanggalin mo sa loob ng iyong bahay ang lahat ng kanyang gamit sa loob ng 18 months, simula nang kayo ay magkahiwalay.
Bigyan mo ang iyong ex-spouse ng reasonable date para hakutin niya ang lahat ng kanyang gamit sa iyong bahay. Kung hindi niya ito matupad, ikaw mismo ang magtapon ng mga gamit niya.
Bago itapon, tanungin ang inyong mga anak kung ano ang gamit ng kanilang ama/ina na gusto nilang itago.
Kung may gamit siya na alam mong may sentimental value, ilagay sa isang box at ipadala sa kanyang new address.
B. Kung namatayan ka naman ng asawa, ganoon din ang iyong gawin, ipamigay mo ang lahat ng kanyang gamit sa loob ng 18 months, simula nang siya ay namatay.
Itira lang ang kanyang perfume, letters at ilang pirasong damit na may sentimental value sa iyo.
Ipamigay sa charitable institution ang natirang matitino niyang damit.
Ipamigay din ang iba niyang gamit sa iba niyang close friends o kamag-anak na gustong makatanggap ng souvenir mula sa iyong pumanaw na asawa.