1. First Vowel A (Ex:Jamie, Amy, Andy, Anna)
Characteristic: Tumatayo sa sariling paa
Description: Ito ang mga taong mahilig magÂhanap ng katotohanan. Sila ay masipag. Pipilitin nilang malapit sa ‘perfect’ ang resulta ng lahat ng ginagawa nila. Kaunti lang magkamali, feeling nila ay bigong-bigo sila. Kailangang purihin sila o kaya ay tapikin sa balikat upang maipagpatuloy nila ang kahusayan sa kanilang trabaho. Hindi makakatulong sa kanila ang pagpapamukha ng kanilang kapintasan dahil lalo lang silang magrerebelde.
2. First Vowel E (Ex:Drew, Ethan, Eva, Elaine)
Characteristic: Positibo lagi ang tingin sa buhay
Description: Kung bibigyan ng pagkakataon, ay type nilang maging detective. Mahilig silang tumuklas ng mga misteryosong pangyayar. Mahilig din sila sa NumeroÂlogy. May pagka-usisero rin sila. Halimbawa at nakakita sila ng taong grasa, nagkakaroon siya ng interest na interbÂyuhin ito para malaman ang istorya ng kanyang buhay.Maporma sila dahil gusto nilang maÂging maganda sa tuwina. May tsansang maging mahusay na stylist dahil may talent din sila sa pagpapaganda ng ibang tao. Hate niya ang mga dominante. Itutuloy