Nakamamatay na limpoma (hindi limpoma Hodgkin). Ito ay isang malubhang nakakapinsalang mga selula ng limpo na nakalabas sa bone marrow. Ang limpoma ay makikita sa glandulang limpo o sa alin mang malambot na tisyu ng katawan. Ang mga limpoma ay karaniwang nakikita sa mga ‘young adults’. Mayroong tatlong uri ng nakamamatay na lympoma:
Mababang grado (Low grade) 
Kung ang limpomang ito ay hindi pa nakakalat nang malawak, maaari pa
itong gamutin sa pamamagitan ng opeÂrasyon o lokal na radiation. Ngunit, karaniwan sa limpomang ito ay kumakalat na kaagad sa oras ng presentasyon. Ang mga pasyenteng may mababang grado ng limpoma ay maaaring hindi mangailangan ng paggagamot nang maraming taon at patuloy pa ring makaranas ng matagalang buhay. Mayroon na ngayong ilang bagong mga paraan na magagamit na maaaring makadagdag sa buhay na matagalan, tulad ng ‘monoclonal antibodies,’ halimbawa ang MabThera, at maaari rin ang transplant ng ‘stem cell.’
(Intermediate grade) 
Ang limpomang ito ay mas mabilis lumago keysa sa mababang grado ng limpoma. Kung sa isang bahagi lamang, tulad ng mga bukol, tulad ng mababang grado ng limpoma ay napapagaling nang irradyesyon. Kahit na nakakalat na ito, ang mga limpomang ito ay magagamot sa pamamagitan ng kombinasyon ng chemotheraphy at kung minsan mataas na dosaÂge ng chemotherapy at transplant ng ‘stem cell’ ang kailangan.
Mataas na grado (High grade). 
Ang limpomang ito ay kumikilos tulad ng malubhang lukemya at ginagamot sa parehong paraan sa pamamagitan ng kombinasyon ng chemotheÂraphy at propilaksis ng utak o nervous system (tingnan ang paggamot sa malubhang limpoblastik lukemya). Ang prognosis ng ganitong uri ng limpoma ay depende kalubha ang sakit sa panahon ng paglabas nito. Kung ang sakit ay hindi agresibo, ang chemotheraphy ay maaaÂring makapagpagaling nito. 
Kung ang sakit ay agresibo sa oras ng maÂdiskubre ito, ang karagdagang transplant ng ‘stem cell’ (maging ito man ay manggagaling sa pasyente o sa kabagay na kamag-anak) sa programa sa paggagamot ay maaaring magkaroon ng benepisyo.