WALANG magawa si Shalina habang hinahagkan-niyayakap ni Greco ang magandang babae. “Greco, ang kapal mo! Pinagtataksilan mo ako nang harap-harapan!â€
Balewala kay Greco ang mga bayo ni Shalina. Bog-bog-pug.
Umiiyak na ang kasintahan, naglupasay na. “Hu-Hu-huuu! Isusumbong kita kina Itay, Greco!â€
Tumayo si Greco at ang magandang babae; hindi nga alam ng binata na ito ay bad fairy, masamang diwata.
Magkaakbay sila, malambing ang titigan; muli’t muli ang halikan.
Hindi na ito natagalan ni Shalina. Humahagulgol na tumakbo, palayo na sa gubat. “Hu-hu-hu-huuu.â€
Si Greco ay walang alam sa ginawa ni Shalina; bihag ng diwata ang kanyang diwa at katauhan.
Nahiga sila sa makapal na damuhan, hindi pansin ang malalaking patak ng ulan. “Greco…angkinin mo ako…â€
“Napakaganda mo. Sino ka, miss?†nagawa pang itanong ni Greco, limitado ang kamalayan; wala sa tamang huwisyo.
“Ako si Adwani. At ikaw ay…AKIN lamang.â€
“Ako ay…IYO lamang, Adwani…â€
Nagtalik sila sa ilalim ng ulan.
“ITAAAY!†sigaw ni Shalina, nakarating na sa maliit na bahay ng pamilya—sa gilid ng Lupang Banal.
Sa mga magulang nagsumbong ang dalaga.
Pak. Pak. Dalawang sampal ang natikman niya sa ama.
At masakit na salita ng ina. “Walanghiya kang anak! Nakikipagrelasyon ka na pala kay Greco! Sabing napakabata n’yo pa!â€
Iba ang gumugulo sa isip ng ama. May matinÂding kutob. “Ano ang hitsura ng babaing biglang kinabaliwan ni Greco.â€
“Napakaganda po, parang artista, batambata. Parang nahipnotismo niya si Greco. Kasi’y nagpapaubaya ang babaing ‘yon, Itay…â€
Nagkatinginan ang mga magulang. LumaraÂwan ang galit.
“Nahimatay ‘ka mo…sa gubat na sakop ng Lupang Banal?â€
Tumango si Shalina, taka. “Kilala n’yo po…?†(ITUTULOY)