Gamot
Ang CML ay maaaring manatili ng tatlo o maraming taon sa talamak na panahon ng sakit habang ang paggagamot ay madali at epektibo sa pagkontrol, ngunit hindi sa pagpapagaling ng sakit.
Ang ‘stem cell’ transplantasyon ay isang may inaasahang uri ng gamutan sa mga taong may CML. Malakas na doses ng interferon ay maaaring maÂging epektibo. Kamakailan, isang gamot ang ginawa at tinawag itong Glivec at makukuha na ng halos lahat ng pasyente.
Ang pagkakaroon ng chemotheraphy lamang ang nakababawas sa CML sa isang malubhang pagbabago, ngunit hindi naitataguyod. Mas mahirap din na pagalingin ang isang maysakit na nasa malubhang katayuan na sa pamamagitan ng transplantasyon ng utak ng buto.
Mga limpoma at miyeloma Limpoma Hodgkin
Ito ay bukol na sa pangkalahatan ay glandulang limpo. Normal na mabagal ito sa simula kasabay ng walang sakit na pagkalat ng mga malaking glandulang limpo, kalimitan sa leeg. Ang paggamot ay maaaring mangailangan ng operasyon, radyesyon o kemoterapeutika. Marami sa mga tao na may sakit Hodgkin ay nagagamot kahit na malawak nang nakakalat ang sakit sa oras ng pagdayagnos. Ito ay karaniwang nakikita sa mga ‘young adults.’