Sa mga bata, ang ALL ay nagkakaroon ng mabuÂting reaksiyon sa panggagamot, na halos hanggang 75 porsyento ng mga bata na may ganitong uri ng lukemya ay nagkakaroon ng lubusang pagbabawas at sa huli ay nagagamot.
Ang ALL ay nangangailangan ng natatanging panggagamot, na tinatawag na propilaksis sa utak o sa pinakasentro ng utak or central nervous system prophylaxis) upang hadlangan ang sakit. Karamihan sa mga ahente ng chemotheraphy na ginagamit sa ALL ay hindi nakararating sa ilalim ng takip ng utak, ngunit ang lukemya ay maaari. Ang propilaksis sa utak ay isang panggagamot na ibinibigay sa utak at mga takip nito upang hadlangan ang lukemya na makapagtago sa mga lugar na ito sa panahon ng chemotheraphy at pagkatapos lalago uli matapos ang gamutan. Ang ganitong uri ng panggagamot ay maaaring samahan ng iniksiyon ng mga gamot sa pamamagitan ng ‘lumbar puncture’ sa gawing ibaba ng gulugod o ang hindi karaniwang paggamit ng radiotheraphy sa utak o sa gulugod. Para sa mga pasyente na ang sakit ay bumabalik-balik o bumabalik matapos ang unang panggagamot sila ay maaaring makinabang sa ‘stem cell’ transplant.
Chronic lymphocytic leukaemia – CLL. Tinatawag din na chronic lymphatic o chronic lymphoid leukaemia Ito ay isang mabilis o mabagal na lumagong uri ng lukemya. Tulad ng sa ALL, ang mga selula ng limpositik ay apektado.