^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (60)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI malaman ng magkasintahang Jake at Monica ang nagaganap sa mga taga-ibang planeta. Bakit nagbagsakan ang mga fighter planes?  Bakit namamatay o nagpapakamatay ang mga nilalang na mukhang Japanese snails?

At ano ang kinalaman ng laganap na amoy ng bagoong?

Walang tigil ang pag-uusap sa isip ng magkasintahang estatwang buhay. “Jake, imposibleng sila ang gumawa ng bagoong na papatay sa kanila…”

“Monica, baka may ibang purpose sila sa bagoong—nagkataong nag-leak at sumama sa hangin, malay ba natin?”

Ang klaro, patuloy na namamatay o nagpapakamatay ang mga aliens; walang patlang ang mga tumatalon  mula sa mga flying cars.

“Aiyiiii! Templangken! Vizzuuuiii!”

Grabe ang nangyayari sa mga taga-ibang planeta, dama nina Monica at Jake. “Monica, wala itong kaibahan sa tinatawag ng mga tao na genocide—planadong pagpatay sa pamamagitan ng nakalalasong kemikal.”

“Pero, Jake, sino ang pumupuksa sa kanila? Sila-sila rin ba?”

Iba ang pumasok sa isip ng binatang photo-journalist.

“Monica, naunang nag-crash ang mga fighter planes nila, di ba? Hindi sila nakarating sa ibabaw ng butas…”

“O, ngayon? Hindi ko alam ang tinutumbok mo, Jake!”

“Sumunod ay naamoy natin sa ere ang bagoong na tulad na tulad ng amoy ng bagoong na gawa ng tao…”

“Ano nga ang tinutumbok mo, Jake?”

Napalunok ang binata.

“Di ba kasunod ng amoy-bagoong, nakita nating nagtatalunan-- nagpapakamatay o namamatay-- ang mga aliens na nasa flying cars?”

“For God’s sake, Jake—ano nga ang ibig mong sabihin?”

“Monica, baka ang mga tao sa ibabaw ng butas ang…”

“Ang ano, Jake? Sabihin mooo!”

“B-baka sina Doktora Nuñez—for whatever reason-- ang nakaisip magbuhos ng siguro’y nakakaraming…bagoong…” (TATAPUSIN)

AIYIIII

ANO

BAGOONG

BAKIT

DOKTORA NU

FOR GOD

JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with