NASA bingit na ng hopelessness sina Jake at Monica; nawawalan na ng\pag-asa.
“Dito na pala tayo mamamatay, Jake—sa mismong ilalim ng lupa.â€
May pagtutol si Jake. “I don’t want to say goodbye, ayoko pang mamatay. Monica…napakabata pa natin…â€
“God giveth, God taketh, Jake.â€
“Ang God ba natin ay siya ring God ng mga aliens, Monica?â€
Nakita ni Monica ang point ni Jake. Iisa nga ba ang Diyos ng mga tao at Diyos ng mga nilalang na mukhang suso?
Isang tanong iyon na hindi masagot ni Monica. Masyadong kumplikado kung babasehan ang natutunan sa relihiyon.
Ang bottom line, wala silang natatanaw na solusyon sa kanilang kalagayan; Mananatili sila ni Jake na estatwang buhay, sa sibilisasyon ng mga taga-ibang planeta.
“Hindi ko pa rin matanggap na napasok ng aliens ang bansa natin—nang hindi nalaman ng mga tao, Monica.â€
“Huwag ka nang magtaka, Jake. Halos ganito ang nangyari sa sci-fi movie na napanood ko…sa ilalim ng lupa nanggaling ang mga taga-ibang planeta…â€
MULA sa dagat, narating na ng municipal engineer at iba pang survivors ang pampang ng isla; halos mamatay sila sa pagod sa paglangoy mula sa lumubog nilang motorboat.
Napansin agad nila ang laganap na amoy.
“Engineer, amoy-bagoong ho talaga…â€
Halos wala nang tao sa Antukin, nagsilikas na mula ng manalasa ang butas na lupa. “Tara sa sinkhole. Kanina pa naghihintay si Doktora Nuñez.â€
Hambal sila nang makita ang nakahandusay, duguang doktora.
“Patay na sila nitong tatang,†walang emosyong sabi ng isang residente. “Tinira sila ng lumilipad na kotse—mula sa butas…â€
Bangkay na nga ang doktora. Napapailing ang inhinyero. “Pero bakit nagkalat ang napakaraÂming bagoong? Saan po galing, manong?â€
“Dala ‘yan mismo ng doktora. Ihuhulog daw sa butas—para makaganti…†Wala pa ring emosyon ang manong; para nang living dead. “Hindi niya naiganti ang mag-iina ko…†(ITUTULOY)