‘Butas na lupa’ (54)

MULA sa loob ng butas na lupa, binomba ng mga taga-ibang planeta ang kongkretong takip; sumambulat iyon at nakalabas ang mga military flying cars ng aliens.

Sina Doktora Nunez at Mang Ompong na noo’y malapit sa butas ay tumilapon sa lakas ng pagsabog. “Aaahh!  Eeeeee!”

Gayunma’y himalang nabuhay ang dalawa.

Nagkalat sa paligid ang balde-baldeng hilaw na bagoong na dala ng doktora; ang amoy ay pinalaganap ng hangin.

“Buhay tayo, Mang Ompong! Salamat sa Diyos!”

“P-Pero naglabasan a-ang mga kaaway, doktora…” WRRRRR. Ingay ito ng mga makina ng flying cars ng aliens. Kita nina Doktora Nunez ang pag-ikut-ikot ng mga ito sa ibabaw ng dagat.

Hindi makalayo.

“M-Mang Ompong..p-palagay ko’y babagsak sila…halos sabay-sabay…” hula ng doktora.

“ Tantiya ko po’y bumubuwelo lang —bobom­bahin ang isla pati buong bansa…” sagot ng matandang boatman.

“N-nahuli tayo nang dating, Mang Ompong…” Patuloy na paikut-ikot ang lipad ng mga alien forces sa ibabaw ng dagat; parang mga hilong trumpo ang mga ito.

WWWRRRR. Mula ang bagong ingay sa bunganga ng butas na lupa; puwersa rin ng mga taga-ibang planeta.

Sandatahan. Nagliliparan.

:”Oh my God, Mang Ompong…meron pa pala…” “K-kaydami ng kaaway, doktora…” Napa-sign of the cross ang matanda; ang doktora ay kinilabutan.

BLAMM. Binomba sila.

Hindi na sinuwerte ang doktora at ang matandang bangkero.

Napuruhan sila, parehong agaw-buhay.

“D-doktora, p-paano ang pamilya ko…?”

“Sori po…Mang Ompong…n-nahuli talaga…ang pangontra…”

Sa laot, natanaw ng pangkat ng municipal engineer ang unidentified flying forces. Alam agad na hindi iyon taga-daigdig. (ABANGAN)

 

 

 

 

Show comments