‘Butas na lupa’ (52)
MATINDI ang utos ng supreme leader ng mga taga-ibang planeta.
Magpadala agad ng strike force sa ibabaw ng butas na lupa, bawiin ang mga patay na kalahi—at bombahin ang mga taumbayan.
“KRUZZHIKIKIK!â€: Sigaw ng pinuno.
Batas iyon sa mga sundalo nila. Handang mamatay sa pagtatanggol ang mga ito. “Dbdxxizz! Dbdxxizz!â€
SA IBABAW ng mataas na gusali, ang takot ay lalong tumindi kina Jake at Monica.
“Monica, baka sasakupin na nila ang ibabaw ng butas na lupa! Masama ang kutob ko!â€
“Mabibigla nang husto ang mga tao, lalu na sa Antukin at mga bayang karatig, Jake. Tiyak na napaka-moderno ng mga sandata ng taga-ibang planeta!â€
“Pero paano silang nakapagtatag ng sibiÂlisasyon sa ilalim ng lupa, Monica? Hindi ko talaga maintindihan?â€
“Hindi na muna ‘yan ang dapat nating pagtuunan, Jake! Ang kapakanan muna ng lahing tao! Hindi dapat tuluyang masakop ng mga aliens ang mundo!â€
Natatanaw nila ang lalong dumaraming bilang ng mga emergency vehicles na nagÂliliparan, na hula ng magkasintahang estatwa ay mga military personnel-- ng mga nilalang na mukhang Japanese snails.
“Kurrizzicucci! Iccucizzirruk!â€
Dinig nina Jake at Monica ang ligalig na mga tinig sa himpapawid.
“Jake, alam mo bang posibleng tayo ang unang targetin ng mga aliens na ‘yan?â€
“What do you mean?â€
“Para kasing nasa war mode na sila—baka sampolan tayo. Bigla tayong bombahin.â€
BLAAM. Binomba nga sila.
“Eeeee! Aaahh!†Sa isip lang kayang magtitili at sumigaw ng magkasintahang estatwang buhay.
Sablay. Ga-hibla na lang ang layo nina Monica at Jake sa tuluyang kamatayan.
SA IBABAW ng butas, pinakyaw ni Doktora Nunez ang mga bagoong sa palengke. (ITUTULOY)
- Latest