Lucky Number sa Horse Year

Ang apat ng lucky numbers sa Horse Year ay 2, 3, 7, 8. Paano makakaapekto sa buhay ng mga tao ang mga nabanggit na numero?

SEVEN (7)

Ang Horse ay 7th animal sign sa Chinese astro­logy. Magiging lucky sa pera ang mga tao lalo na kung ang petsa ng kaarawan niya ay 7. Ang impluwensiya ng number 7 sa buhay ng tao: Nagiging mapagmatyag sila upang makamtan ang katotohanan. Kaya kung may nadadama silang panloloko,  may tendency  na dumami ang mag-rebelde sa gobyerno. Ang 7 ay rebeldeng numero. Magkaganoon pa man, may dala naman itong magic pagdating sa pera. Magkakaroon ng improvement ang financial situation ng ating bansa. Purple, magenta, dark blue.

TWO (2)

Ang number 2 ay nire-represent pagiging balanse, partnership, femininity at communication. Ang cosmic vibration ng number 2 ay ilalapit ka nito sa mga taong magiging hagdan mo patungo sa katuparan ng iyong pangarap. Ang kulay na ikinakabit sa number 2 ay yellow, gold, silver, black, white, violet and some blue-green shades. Magdudulot ito sa tao ng mataas na tiwala sa sarili, personal warmth and open-heartedness. Ang impluwensiya ng two sa mag-asawa at magkarelasyon ay pagkakaisa at resolusyon sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan. Itutuloy

Show comments