Dear Vanezza,
May anak ako sa pagkadalaga pero sa ngayon wala na akong alam kung nasaan na yung ama ng anak ko.
Sa ngayon may kinakasama ako, malaki ang agwat ng edad namin. Nang dahil dito minsan hindi kami nagkakaintindihan. Masyado siyang seloso ng wala sa lugar at marami siyang pinapansin na kahit hindi dapat pansinin. Minsan naiisip ko ng hiwalayan siya kasi masyado na akong nasasakal. - Reyah
Dear Reyah,
Kung hindi na kayo magkasundo at hindi ka na masaya sa kanya, ‘wag mo ng pahirapan pa ang iyong sarili. Tapatin mo siya at maayos na makipagÂhiwalay. Makabubuti rin kung ang iyong anak muna ang pagtuunan mo ng atensiyon sa halip na ang kinakasama mo. Sa iyong anak mo ibuhos ang iyong pagmamahal. Galing ka na sa isang bigong relasyon at maaring hindi pa handa na pumasok uli sa panibagong pakikisama. Kumbaga, kukuha ka na naman ng batong ipupukpok sa ulo mo. Mag-isip ka muna bago gumawa ng desisyon. Unahin mo muna ang kapakanan ng iyong anak bago ang iyong kaligayahan. Ipanalangin mo sa Diyos na matagpuan mo rin ang lalaking magmamahal sa’yo ng tapat at sa iyong anak.
Sumasaiyo,
Vanezza