HALOS tiyak na ni Doctora Nunez ang dahilan ng pagkamatay ng mga alien creatures. “May nalanghap silang kung anong amoy, hepe. Kung ano ay dapat nating malaman.â€
Nakakalat sa kusina ang ilang ulam na wala nang takip. Mga left-over food ito, galing sa ref—halatang binungkal ng mga taga-ibang planeta.
Pritong galunggong. Sabaw ng tinola. Spanish sardines. Salad.
“Ano ‘yan, doctora—nagutom ang mga alien na ‘to? Nais kumain ng pagkain ng tao?†“Hepe, kaninang nadatnan ko ang mga duplikado ni Jake—sila ay hindi pa ganyan ang hitsura. Anyong tao sila, hindi ganyang mga mukhang susong Hapon.†Napapailing ng hepe. “Alam mo, doc, kundi lang malaki ang respeto ko sa’yo—sasabihin kong kulang at sobra ang kuwento mo.
“Klarong taga-ibang planeta ang mga patay na ‘to, pero ‘yung sabi mong sila ay mga anyong tao kanina—ewan pa kung totoo.â€
“Hindi kita basta mapapaniwala, hepe. Anyway, tuklasin muna natin ang ikinamatay ng mga ito,†sabi ng doktora, nagpapakahinahon.
“Wait, doktora, tingnan mo ‘tong nasa mangkok. Hindi na ‘to fresh, a. Nangangamoy na, nilalangaw.â€
Hilaw na bagoong, nalimutang iluto. Hindi naipasok sa ref. “Hindi pa naman sira, hepe. Normal na amoy ng bagoong, pero hindi na dapat kainin dahil nilangaw na. Posible bang ito ang--?â€
Nagkibit-balikat ang hepe. “Malay natin, doc. Your guess is as good as mine. Kailangan pa ang lab tests.â€
Desidido ang doktora na alamin ang katotohanan—kahit pa gagastos siya ng sariling pera. “Tatawag tayo ng food experts, hepe.â€
Naniguro ang mga imbestigador. Dinamihan ang kuha ng larawan sa mga nilikhang taga-ibang planeta.
Kinunan ng cellphone, ng professional camera at ng digicam.
“Malay natin, doktora—biglang magbago ng anyo?â€
Tumango ang manggagamot. “Tama ka rin, hepe. Hindi na tayo sigurado sa panahong ‘to—anything goes na.†NAMANGHA sila sa report ng eksperto. Natukoy na ang amoy na pumatay sa mga aliens. “Hepe, nabahuan sila sa bagoong.†ITUTULOY