Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na mayroong dalawang bilyong celery ang inaani kada taon sa Amerika? Ito ay orihinal na nagmula sa Mediterranean at Middle East at ginagamit ng mga Ancient Greeks at Romans bilang pampalasa. Sa China ginagamit naman ang celery bilang gamot. Ang paglalagay ng celery stick sa alak na Bloody Mary ay orihinal na inimbento sa Chicago’s Ambassador East Hotel noong 1960.
Nawawala ang 40% ng tamis ng isang mais kapag ito ay nakalantad na ng anim na oras sa isang katamtamang temperatura ng isang lugar. Ang mais ang ikatlong pinakaimportanteng pagkain sa buong mundo. Mayroong 5,638 tao na nakalista sa whitepages.com na ang apelyido ay “Cornâ€. Ginagamit ang mais bilang sangkap sa 3,000 grocery products. Sa ilang libra ng mais ay makakagawa ng sweetener, corn starch o 2 at kalahating gallon ng ethanol fuel.
- Latest