Ang kakulangan ng puting selula ay nagbibigay ng dagdag na pagkakataon at malubhang mga impeksiyon na maaaring ikamatay ng tao. 
Ang mga Pleytlet (Ang taga-kumpuni ng mga selula).
Ang pamumuo ng dugo ay pumipigil sa pagdugo. Kung ang ugat ay nasira (halimbawa nahiwa o nagkagalos) ang mga pleytlet ay dagliang tutungo sa lugar at sama-samang tatakpan nila ang labasan ng dugo. Ang kakulangan ng bilang ng mga pleytlet ay maaaring magbunga sa madalas na pagdudugo ng ilong, matagal na pagdugo ng sugat, abnormal na galos, o pagdudugo ng bituka, ihi o balat.
Sa mga kasong malubha na, kung saan ang inyong bilang ay napakababa, maaaring magkaroon ng pagdudugo sa mga bahaging panloob ng katawan at sa utak. Sasabihin ng inyong doctor kung ang inyong bilang ay bumababa.
Mga pamilya ng selula ng dugo
Ang lahat ng selula ng dugo ay nagmumula sa parehong orihinal na tangkay o nangungunang selula (stem or precursor cell). Ngunit sa unang bahagi ng buhay nito, ang mga selula ay nagkakahiwalay sa dalawang pinakamalaking pamilya – ang mga pamilya ng miyeloyd (myeloid) at limpoyd (lymphoid). Kasama sa pamilya ng miyeloyd ang:
• Lahat ng pulang selula, pleytlet at ilang uri ng mga puting selula ng dugo. Ang mga puting selula ng dugo sa pamilyang ito ay tinatawag na granulosites (granulocytes) o monosites (monocytes), ayon sa kanilang tungkulin o gawain.