‘Butas na lupa’ (45)

HINDI makapaniwala si Jake sa imaheng kanyang katabi, sa napakataas na tuktok ng gusaling pinagdalhan sa kanya.

“Oh my God…ikaw nga ba iyan?” tanong ng binata.

Katabi niya si Monica. Pero si Monica ay hindi gumagalaw, ginawang estatwa ng ewan pa niya kung sino.

“Oh God, Monica, what did they do to you?”

Niyakap niya sa mga hita ang nobyang sinasamba. “Hu-hu-huuu. Ginawa ka nilang taong bato…”

Walang kaalam-alam si Jake na estatwang buhay si Monica, hindi makagalaw pero may isip at pandamdam.

Kiliting-kiliti ang dalaga habang nakayakap-nakadikit sa mga hita ang mukha at bibig ni Jake.

Kung puwede ay sabihin ni Monica sa boyfriend na ‘huwag diyan, may kiliti ako diyan’. 

Tumayo si Jake, ang mukha naman ni Monica ang hinaplos.

“Oh God, sino ang gumawa nito sa iyo, Monica?”

Damang-dama ni Monica ang masuyong haplos. Gustung-gusto niya, ramdam ang tunay na pagmamahal ni Jake.

“Jake, buhay ako pero hindi makagalaw…mahal na mahal kita.” Sa isip lang ito kayang sabihin ni Monica; hindi siya makapagsalita.

Buong pusong hinagkan ni Jake ang mga labi ng dalagang estatwa.

Bumalong ang luha ni Monica, himalang tumulo.

Napaigtad si Jake, nakita ang himala. “Jeezuz, buhay ka…hindi ka patay, Monica.”

Kung puwede lang ay nais isigaw ni Monica na buhay nga siya; na nais niyang mayakap at mahagkan ang boyfriend.

“Alam mo bang meron kang mga duplikado sa ibabaw ng butas?”

Alam na alam iyon ni Monica. “Pati ibang tao na taga-Antukin, iginawa nila ng clones, ng mga duplikado, Jake!”

“Kailangang usigin ko ang may kagagawan nito, Monica! Mga taga-ibang planeta, di ba? Ano ang hitsura nila?”

Nayanig ang binata nang makaharap ang alien. “Iyaaah!”

NANG magising si Jake, magkatabi na sila ni Monica sa tuktok ng building; pareho nang estatwang buhay. (SUBAYBAYAN)

 

 

Show comments