Isang araw ay hindi mo inaasahan na makukuha ng lalaki/babaeng ito ang iyong atensiyon at talaga naman pakiramdam mo ay tinamaan ka ng palaso ni Kupido. Kaya lang hindi mo naman alam kung siya ay “taken†na o “available†pa para siya ay maging sa’yo. Paano nga ba ang gagawin mo para malaman mo kung pupuwede pa na maging “kayo� Narito ang ilang paraan:
Obserbahan ang kanyang kilos kapag kaharap ang ibang babae – Hindi naman ibig sabihin nito ay magiging “stalker†ka na niya. Medyo pansinin at pag-aralan mo lang mabuti ang kanyang kilos kung nagiging “flirt†din siya sa ibang babae/ lalaki sa kanyang paligid o siya ay hindi komportable?
Tingnan ang kanyang social networking site – Kung siya ay may Facebook/ MySpace, maaari mong silipin kung anong estado na inilagay niya dito. Maaaring ideklara niya dito kung siya ay “singleâ€, “married†o “in a relationshipâ€.
Makipagkaibigan sa kanya – Kung magiging “close†kayo, malaki ang posibilidad na malaman mo ang mga mahahalagang detalye sa kanyang buhay.
Kilalanin ang kanyang mga kaibigan – Maaari kang makipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan at magtanong sa kanila tungkol sa iyong “crushâ€, ngunit hindi mo rin dapat ipahalata sa kanila na interesado ka sa taong ito dahil posibleng mabulilyaso ang lakad mo.
Ikuwento sa kanya ang iyong ex gf/bf – Kung matagal na kayong magkaÂkilala, maaari mong i-share sa kanya ang iyong “past relationship†at tingnan mong mabuti kung anong magiging reaksiyon niya.