Epekto ng Toilet sa Kabahayan Last Part

Kung ang toilet ay nasa SOUTHWEST, ang negative effect ay sa relasyon ng mag-asawa o kaya ay mahihirapan nang mag-asawa ang sino man single na nakatira sa nabanggit na tahanan. Maglagay ng Chinese bamboo plant sa loob ng toilet para mahigop nito ang bad vibes.

Kung ang toilet ay nasa NORTHWEST, mahihirapan sa paghahanapbuhay ang breadwinner ng pamilya. Huwag maglalagay ng kandila as decoration sa lugar na ito dahil ang masamang epekto ay biglang kamatayan ng family breadwinner. Maglagay ng maliwanag na bombilya at maglagay ng dekorasyong kulay blue para kontrahin ang masamang vibration.

Kung  ang toilet ay nasa SOUTH, hindi magiging maganda ang inyong relasyon sa ibang tao. Magiging favorite target kayo ng mga intriga at tsismis. Mag-decorate ng something black or blue sa toilet at hindi dapat napakaliwanag ng bombilyang gagamitin. Ipinapayong maglagay ng water fountain dito.

* At tandaan ninyo: Maglalagay lang ng lucky plants sa loob ng toilet kung ito nasa Northeast or Southwest.

 

 

Show comments