Sex laban sa sipon (1)

Sa tulong ng mga research para makahanap ng panlaban o gamot sa sipon, natuklasang sex ang makakatulong. Natuklasang nakakatulong ang sex para gumanda ang pakiramdam ng partner na may sipon. Hindi naman sinasabing kapag nakipag-sex ay gagaling kaagad ang sipon ngunit narito ang  ilang dahilan kung bakit makakatulong ang sex sa sipon.  Ang mga movement na ginagawa sa sex ay lumilikha ng pagyugyog o pag-indayog na galaw na kahalintulad sa ginagawa sa pagmamasahe na nakakabawas ng edema, nakakadagdag ng lymphatic drainage, pinapaluwag ang chest congestion at nagre-release ng tension sa muscles.

 Ang sensation ng touch ay nagpapataas ng emotional well-being. Positibo ang pakiramdam ng isang tao, nakakaramdam ng pagmamahal at pakiramdam na secure na bumubura sa down o depressed feelings na nararamdaman kapag may sakit.

Ang orgasm ay nagpapataas ng endorphins na nagpapagaling sa taong may sakit.  Ang sexual activity ay nagpapataas ng muscles tension at ang sexual activity ending na nagtatapos sa orgasm ay nagiging daan para mag-release ang muscle na dahilan para makatulog ng mahimbing pagkatapos.

Show comments