DALAWANG bagay ang bumabagabag kay Monica habang nasa tuktok ng napakataas na building. Una, naisip niyang baka gaya rin niya ang mga pinatuyong tao na ginawang display ng mga taga-ibang planeta—mga estatwang buhay din kaya ang mga ito? Nakakakita at nakakapag-isip pero hindi makagalaw?
Posible bang tulad niya’y hindi nagugutom at nauuhaw?
Ang pangalawang lumiligalig sa kanya ay ang pag-iisa sa tuktok ng gusali. Siya ay nilalapitan-inuusyoso ng mga taga-ibang planeta-- sakay ng mga sasakyang lumilipad.
Halos mabundol na siya ng mga ito sa sobrang lapit ng lipad. Parang mga paniki at bayakan sa hatinggabi ang mabilis na paglipad; parang mga fighter planes noong World War II.
Pero may mga tumitigil na sasakyan—nakalutang sa hangin. Lumalabas ng sasakyan ang mga sakay—nakalulutang din, nakalilipad.
Mga nilalang na mukhang suso ang mga ito. Gaya ng iba pang una na niyang naka-engkuwentro—dito sa ilalim ng butas na lupa
“Hu-hu-hu-huu! Inuusyoso ako ng mga tagaibang planeta! Mamamatay ako sa lungkot!â€
Sa kawalan ng pag-asa, iba na ang hiling niya. “Lord, get me na po! Kunin Mo na ako, please!â€
NARATING na ni Jake at ng doktora ang isla; natanaw agad ng doktora ang butas na lupa o sinkhole.
“Awesome†manghang sabi ng bata pang doktora, hindi makapaniwalang super-laki at super-dilim ng loob ng butas.
“At hindi ‘ka mo maarok ng mga nagtangkang bumaba ang ilalim niyan, ha, Jake?â€
Tumango ang binata, nakapagsasalita na. “Para pong walang hanggan ang lalim, doktora! Hindi na tumuloy ang mga nais bumaba, natakot!â€
“P-Pero tumalon ‘ka mo nang kusa ang nobya mo?â€
Nanlulumong tumango si Jake. “Tatlong linggo na si Monica sa ilalim, doktora…Oh God…â€
DUMATING ang engineering team ng munisipyo. Tatakpan na nang permanente ang butas na lupa. (ITUTULOY)