Panaginip: Simula nang ikasal ako noong August 2013, lagi kong napapanaginipan na nakatira ako sa garahe. Minsan garahe namin o garahe ng aking mga biyenan. Noong isang gabi ay naÂpanaginipan kong pinalayas kaming mag-asawa ng aking biyenan at pinatira na lang kami sa kanilang garahe.—Noemi
Interpretation: Ang pagtira sa garahe ay nagpapahayag ng kawalan ng ginagawa. May pakiramdam ka na walang direksiyon ngayon ang iyong buhay at hindi mo alam kung saan ka patutungo.