Dahil sa sobrang dami ng fats na nailagay mo sa iyong katawan sa nagdaang holiday, tiyak na tumaas ang iyong timbang. At ang mga fats na ito ay sigurado rin na nakabara sa iba’t ibang bahagi ng iyong ugat. Dahil dito, tiyak na nakatuon ang iyong atensiyon kung paano ka magbabawas ng timbang. Isa sa mga paraan ay ang pag-iwas sa mga matatabang pagkain at muling kumain ng mga gulay at lamang-dagat.
Bukod sa mga lamang –dagat na mahusay pagkunan ng omega-3 fats narito pa ang ilang pagkain na mayaman dito:
• Sardines – Mayaman ang sardines sa omega-3 fatty acids, sa katunayan, nagtataglay ito ng 1.7mg ng omega-3 kada servings. Bukod dito, mababa rin ang mercury nito.
• Mackerel – Isa ito sa mga isdang nagtataglay ng pinakamataas na merÂcury level sa mga isda ngunit mayroon naman itong isang gramo ng omega-3 fatty acids.
• Tahong – Bukod sa mataas na omega-3, mahusay ito kung may diperensya sa thyroid dahil sa pagkakaroon ng mataas na iodine sa pagkaing ito.
Sa kabuuan, ang mga isdang nabubuhay sa malamig at nagyeyelongtubig ay mayroong mataas na omega-3 fats.