Tuwing papasok ang Bagong Taon, usung-uso ang New Year’s resolution. Ang iba ay nagagawa, ang iba ay hindi.

Narito ang puwedeng maging resolution para lalong maging enjoyable ang sex life, ayon sa askmen.com.

1- Maging spontaneous.

Panahon na para gumawa ng mga bagay na hindi karaniwan. Kung masyado nang busy at nawawalan na ng buhay ang romansa, panahon na para magkaroon ng commitment na makipag-sex palagi sa partner,  halikan siya passionately, hawakan ang kanyang balikat at lambingin siya ng walang dahilan. Gawin ang anumang bagay para mag-improve ang inyong sex life.

2- Bagong positions

May  missionary, doggy at nakapatong siya sa ibabaw. Pero hindi lamang ang mga ito ang puwedeng gawing posisyon.

Sa taong ito, subukan ang ibang variation. Maging imaginative. Maging flexible. Explore....

3- Bagong locations.

Nakapagtatakang sa kama lamang karaniwang ginagawa ang pagse-sex. Puwede namang gawin ito sa ibang lugar. Bakit hindi sumubok ng ibang venue­ ngayong taon para exciting.

May outdoor sex, bathroom sex, kitchen sex at iba pang lugar.

4- Pag-usapan ang  sex. Maraming tao ang ayaw pag-usapan ang tungkol sa sex. Ok lang yun. Ngunit nakakalungkot naman kung hindi ninyo ka­yang pag-usapan ang sex ng iyong partner.

Makakatulong kasi na malaman ng iyong partner ang mga bagay na nakaka-excite at nakaka-turnoff sa iyo para mayroon siyang basehan sa inyong pagse-sex. Para alam niya kung nag-eenjoy ka o hindi. Mas makakatulong sa inyong relasyon kung pag-uusapan ang inyong pagse-sex.

Show comments