MANILA, Philippines - Alam n’yo ba na 80 porsiyento ng almond sa buong mundo ay mula sa California? Ang pinakamalaking pabrika ng almond ay sa Sacramento, California, kung saan nagpoproseso sila ng dalawang milyong libra ng almond kada araw. Ang mga pagawaan ng chocolate ay gumagamit ng 40% ng supply ng almond sa buong mundo. Tanging ang “almond†at “dates†lang ang nabanggit sa lumang tipan ng Biblia kaya naman pinaniniwalaang ang mga ito ay naitanim na ilang libong taon na ang nakalilipas. Kailangan mong katasin ang 1000 libra ng almond para makakuha ng 1 pint ng almond oil. Ang protina na nakukuha sa almond ay katulad ng protina mula sa gatas ng ina. Kaya naman ito ang inirerekomenda ng Canadian College of Naturopathic na gamitin bilang formula sa paggawa ng gatas ng bata.